top of page

palagi ko po kasing napaginipan yung mga high school classmates ko

Dear Professor, Hi po! Kumusta po kayo! Itanong ka lang po ung ano po ba ang kahulugan ng panaginip ko, palagi ko po kasing napaginipan yung mga high school classmates ko, yun pong parang nag- aaral pa ako pero matagal na kaming nagsipag –graduate! Tsaka po , nung mga nakaraang araw ‘bat po ako palaging nanaginip ng bata yun bang naliligo sila o pinaliguan ko. Naguguluhan lang po ako kasi , 21 yrs old po pa lang po ako ,eh , tsaka malabo naman pong magkaka anak ako , kasi bata pa ako para pasukin yang ganyan. Naguguluhan po talaga ako . Maraming salamat po at God Bless! Madilyn. Saiyo Madilyn, High School Life , ito , iha, ang pinamakasarap sa buhay ng mga estudyante. Sabi nga wala ng sasaya pa sa high school life. Kaya nga kapag ito ay napanaginipan , ang nanaginip ay kailangan ding magsaya sa buhay niya. Narito ang ilang bagay na pwedeng gawin ng tao upang bumalik ang mga saya at liyagang naranasan niya noong siya ay high school pa; Una , makipagkwentuhan ka sa isa sa iyong classmates nong nag-aaral pa sa high school. Hindi ka naman mahihirap na dahil hindi pa naman gaanong katagal ang mga panahong lumipas. Pwede rin na , halungkatin mo ang mga gamit noong high school pa ka , titigtiigan mo ay ikaw ay biglang sasaya. Mas maganda nga kung may gamit doon na pwede mong isuot , isuot mo at tiyak ding bigla kang sasaya. Pwede ring tititigan mo ang mga high school photos ninyo upang magbalik sa alaala mo ang mga araw na masayang masaya ka. Alam mo ,iha,talagang kakaiba ang high school life , dahil ka pa maaalala mo ang titser mong masunngit at sobrang taray , hindi mo pa rin maiiwasang sumaya. Kahit nga maalala mo pa ang mga pangyayaring napahiya ka , nasugatan ang puso mo ,nabigo ka at hindi ka pinansin ng mga naging crush mo ,ikaw pa rin ay sasaya. Kailangan ng tao ang siya ay sumaya lalo na kapag tinatahak na niya ang landas ng buhay na siya ay nakikipagsapalaran na mag-isa. Kailangan ng tao ang masasayang karanasan kapag siya ay nagsisimula ng magsikap sa kanyang sarili at kailangan ng tao ang saya kapag siya ay nakakaranas ng pangungulila kahit pa kasama niya ang kanyang mga pamilya. Kaya nga ang isa pang masasalamin sa una mong panaginip ay ang ikaw ay naduduwag , merdyo pinaghihinaan ng loob at medyo natatakot sa hinaharap. Kaya po , “medyo” lang ay dahil hindi pa naman kinukubabawan ka ng lungkot o karuwagang harapin ang iyong iyong kinabukasan. Alam mo ,iha , hindi pwede na matagal na nalulungkot ang isang tao. Hindi pwede na maraming araw na ang nagdaan ay nakakadama pa siya na siya ay nag-iisa. Dahil kapag nagkaganun , ang kanyang mga lungkot ay mapaalitan ng lihim na galit sa mundo na maaring maging sanhi ng kanyang mga magagawang malalaking pagkakamali sa buhay niya. Kaya, muli , Guenevera , magsaya ka! Kapag napanaginipan ang bata o mga bata , hindi agad-agad na mangangahulugan na magkakaa-anak na. Dahil ang bata sa panaginip ay simbolo ng pag-asa , magandang bukas at pagkakaroon ng mga mumunting pangarap na siya magiging inpirasyon niya sa buhay. Sa ganitong pananaw , alam ko , na sa kasalukuyan ay nangangarap ka , at ang iyong pangarap ay maliit lang , pero , ikaw at ako ay nagkakaisa na kapag sinundan mo ang mga pangarap mong ito , mapapasaiyo ang malalaking tagumpay sa buhay. Lakasan mo ,Guenevere , ang loob mo ! Huwag kang mduwag , dahil dito sa mundo ang lahat ng tagumpay ay nagsimula sa mga mumunting pangarap. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. .

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page