top of page

kapag nakakita ng matanda sa panginip , siya , iha , ay ang simbolo ng Diyos mo!

Salaminin natin ang panaginip ni Guenevere ng Guenevere Feliciano Magnetico @facebook.com Dear Professor, Avid fun nyo po ako at ng BULGAR . Ask ko lang po your analysis sa mga dreams ko. 1. I always dream that im flying in mid -air so high that i could see the sea below me , even the mountains , and when i landed I’m on a different place where i can see foreigners. 2. I dream of my lola who happens to be dead along time ago. But in my dream she was alive she ask me to accompany her in the immigration to get get her visa at gusto nya kasama ako. I am about to go to her when i forgot that expired na pla passport ko so sabi ko wait nya ko irerenew ko lang passport ko sabi nya wait nya daw ako sa airport. 3. Nakasakay daw ako sa bus going to my work. Napansin ko po na iba na yung way na pinupuntahan namn kasi paakyat na ng bundok. Nung nasa tuktok na kami nagbabaan na mga pasahero sabi ko sa driver mali ata nasakyan ko meron pa ba sasakyan pababa. Sabi ng driver medyo matanda na yung driver sabi bukas pa daw ang susunod na byahe. Nag -alala ako at nagpanic kasi di ako pwede umabsent sa work ko. Pinagalitan nya ko sabi nya ‘wag ako masyado mag alaala kung ano mga pagbabago sa buhay ko dahil me naghihintay na magandang simula sa buhay ko. Nag aalala man ako tinanggap ko nman pero iniisip ko san ko ako magsisimula sa lugar nayun di ako pamilyar oh bago sakn. Sana po matugunan nu po ang ibig sabihin ng panaginip ko. Medyo natatakot po ako. Ano po kayang mga pagbabago ang naghihintay sakin sa taong ito?. Thank u and more power po.. Guenevere.

Saiyo Guenevere, Alam mo ,iha , noon pang mga unang panahon , iba’t –iba na ang larawan iniugnay sa tinatawag na Diyos ng mga tao. Ito ay sa dahilang ang mismong Diyos na nila ang nagsabi na “pakanin mo ang nagugutom dahil Siya rin daw iyon, minsan sabi din Niya , painumim mo ang nauuhaw , dahil Siya raw daw yon.” Kaya nga sa ganitong mga salita , makikitang talaga palang Siya ay maraming larawan. Pero , iha , may isang larawan ang Diyos na paulit-ulit na iginuguhit ng mga Dakilang Alagad ng Sining at ito ang isang matanda , Siya na nga yata ang Diyos noon pa man at hanggang sa ngayon. Kaya kapag nakakita ng matanda sa panginip , siya , iha , ay ang simbolo ng Diyos mo! Kung ganun ,ano ang sabi ng Diyos mo ? “ ‘Wag ako masyado mag alaala kung ano mga pagbabago sa buhay ko dahil may naghihintay na magandang simula sa buhay ko.” Ang ganda naman pala ,ah , ‘bat ka medyo matatakot? Walang basehan ang iyong mga pagalala , Guenevere! Kung sabagay ,pwede rin namang hindi mo basta-bsata paniwalaan ito kaya lang kung mapipilit kang mag-abroad sa ngayon , mas malamang ay abutin mo ang mga inabot ng mga hindi sinuwerte sa pag-aabroad . Pero kung pakikinggan mo ang iyong Diyos , mapapabuti ka at mapapasaiyo ang magagandang kapalarang inilaan niya sa buhay mo. Habang hihintay mo ang mga suwerte mo , mabuhay ka na masaya , pwede ka ring magbiyahe sa malalayo pero hindi dahil sa ikaw ay magpapayaman sa lugar na pupuntahan mo . Bukod sa mabuhay kang masaya , ingatan mo rin ang sarili mo ng sa ganun ay nakahanda ka kapag dumating na ang time na kung kailan ay dadalhin ka ng ng iyong magagandang kapalaran sa malalayong lugar. Pero sa lahat ng iyong gagawin ang huwag na huwag mo kakaligtaan ay ang laging magpasamalat at magbigay ng papuri sa Diyos na iyong kinilala. At ang isa sa napagandang paraan ng pasasalamat at pagbibigay puri sa Diyos ng tao ay ang “mahalin mo ang iyong kapwa,” kumbaga , tulungan mo ang mga nangangailangan at mga kapos-palad , dahil , mahirap mang paniwalaan , madalas na ang Diyos ng Tao ay nag-aanyong mahirap , kaawa-awa at walang nag-aaruga. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. ( panaginip_bulgar@yahoo.com)"

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page