top of page

unfit for human consumption

Dear Professor, What po meanings ng napanaginipan ko na kumakain daw ako ng mga suso or snails,shellfish , mga hipon at matataba raw ang mga ito na kitang –kita ang mga aligi. Nauna po dito nanaginip din ako na may tumutubong ngipin sa bagang ko. Ano rin po meaning ni’to.Maraming salamat ang more power sa kulum mo! Geraldine. Sa’yo Geraldine, Masasarap ang mga pagkaing napanaginipan mo kaya lang ang tawag sa mga yan ay unfit for human consumption. Kaya may mga relihiyon na ipinagbabawal ang pagkain ng mga ‘yan. Kaya lang sa mga hindi kabilang sa kanilang grupo , pwedeng –pwedeng kainin nila ang mga ito. Nagtataka nga ako sa mga ganung relihiyon , dahil bakit ipagbabawal ang mga masasarap? Ayaw ba nila na ang mga tao ay makatikim ng masasarap? Hind ba nila gusto na ang mga tao ay magkaroon ng kalayaan na kainin ang anumang gusto nilang kainin? Mahirap na sagutin ang ganyang katanungan dahil pwedeng pagmulan ng mahabang pagtatalo. Kaya , hindi na nating hugusgahan ang kanilang mga aral at katuruan tungkol sa kung ano-ano ang mga pwedeng kainin ng tao.Sakyan lang natin sila dahil maaaring ito ang makakabuti sa bawat tao. Sa buhay natin , totoong may mga masasarap pero hindi mga karapatdapat. Gaya ng masarap na makipagtsimisan pero ang pagiging tsimosa at tsimoso ay isang kasiraan. Masarap din ang walang magawa ,pero ito man ay isa ring kapintasan dahil sasabihin na ang taong iyon ay alipin ng katamaran. Masarap din ang alak pero ,’di ba ito ay bawal at masasarap din ang mga anumang bawal. Sa ganitong mga masarap na usapan , hindi natin pwedeng kalimutan na ang mga bawal napag-ibig ay masarap din naman. Kumbaga , ang talagang bawal na bawal pero kabilang sa masasarap na gawin ay mga paglabag sa sa moralidad. Kaya lang wala naming taong perpekto , kumbaga , lahat naman ay may kanya-kanyang paglabag sa moralidad. Kaya nga pwedeng maitanong ng lahat , bakit hindi pwedeng tumikim ng bawal .eh , lahat naman ay hindi nakakakasunod sa moralidad , saka , pwede rin sabihin ng tao na , “bawal man ang aking nagustuhan gawin , akin namang inililihim.” Oo , naililihim ang mga nagawang masasarap na bawal pero ang mga ito ay mapapanaginipan na hindi rin tukoy na tukoy dahil nakatago rin ,as in , para ding nasa lihim. Gaya mismo ang napanaginipan mo na mga suso or snail o shellfish at iba pang mga masasarap na pagkaing ipinagbabawal . Pero hindi ganap na maitatago ang ganito dahil kapag sa buhay ng tao ay muling mauulit ang mga pagkakataong makatikim siya ng mga bawal , ang kanyang mga panaginip a magsisilbing mga paunang pabalita na .yon nga , muling mauulit ang kanyang mga masasarap na bawal na ginagawa. Dahil sa bawal , hindi na natin , isa-isahin at hindi na rin natin babanggitin. Sapat na na malaman mo na ang mga pagkain ng mga bawal na pagkain sa mga panaginip ganoon na nga ang kahulugan. Ang panaginip naman na may tumutubong ngipin sa bagang ay nagsasabing magkakaroon ka ng dagdag na pwersa , kaya ikaw ay magiging gaya ng isang kabataan na punong-puno ng siglang kalakasan. Ito rin ay isang paunang balita na ang nagpapalakas saiyo ay muling makakasama mo. Kaya walang puwang saiyo ang lungkot , ang mga problema at ang mga bagay na ikinahihina ng loob mo. Kaya , ang mga bagong tubong ngipin sa mga panaginip ay ibinibilang sa mga panaginip na pinakamamagandang mapanaginipan ng isan tao. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. ."

NEXT
  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page