Dream
Solutions
Tagalog Version
Aura o Hindi Nakikitang Liwanag ng Isang Tao. Humigit kumulang isang metro ang liwanag
Salaminin natin ang panaginip ni BWAM ng Bhosx_Wafuu_Aguinaldo_Mangampo@facebook.com Dear Professor, Magandang araw po!Nais ko lang po isanguni ang aking panaginip.Ang aking napanaginipan ay ang aking pinapasukang eskwelahan. Pero , labis akong nagtataka kung bakit sa panaginip ko ay nakasama ang 'crush' ko. Nung araw na po iyon ay nagkasalubungan kami ngunit kamiy nag-iiwasang tumama ang aming mga mata. Aminado po ako na nahuhulog na ko sa ''crush'' ko at may pagkatorpe ako dito at halos di ko siya malapitan. Nais ko lang po malaman kung bakit sa school ay napakadaming lalaki at lahat ay may dalang love letter para sa crush ko,sa puntong yun ay nakaramdam ako ng kalungkutan.Gutso ko lang na malaman ang kahulugan ng aking panaginip. Maraming salamat po! At sana’y lagi kayong nasa magandang kalagayan! BWAM.
Saiyo BWAM, Ang mga wishes ng mga tao na pwdeng magkatotoo ay mapapanaginipan niya! Kaya nga ‘di ba , marami ang nanaginip na siya ay nanalo sa mga pakikipagsapalaran ,tapos , nagkatooo ,siya ay nanalo. Marami din ang mga nanaginip ng kanilang masusuwerteng numero at sa tunay na buhay sinuwerte sila sa kanilang mga lucky numbers. At ang mga magkasintahan , bago silang naging talagang sila na , nauuna na muna sa panaginip na sila’y sila na nga! At dahil ang crush mo ang napanaginipan mo , almost sure, na magiging kayo. Kaya kahit naman inaamin mo na ikaw ay torpe , hindi na hadlang ito sa para hindi kayo maging kayo. Pero ayon sa panaginip , hindi naman ikaw lang ang torpe dahil siya rin ay isang mahiyain tao. Sa biglang tingin, paano nga ba magiging kayo ,eh, pareho naman pala kayong mahiyain? At dahil napag-uusapan na rin lang natin ang mahiyain. Gusto kong ibahagi saiyo ang ilang kaalaman kung paano matutukoy ang mga mahiyain. Ang mga nasa Earth Signs , Taurus , Virgo at Capricorn ay nasa unahan ng listahan ng mga mahiyain .Pumapangalawa pero hindi gaano kayao ang agwat ay ang mga nasa Water Signs , Cancer, Scorpio at Pisces .Ang nasa pangatlo ay ang mga nasa Fire Signs ,Leo, Sagittarius at Aries at ang mga nasa Air Signs , hindi na kasali kasi sila ay hindi na ibinibilang sa mga mahiyain. Muli , hindi naman ikaw lang ang mahiyain dahil mahiyain din ang crush mo at sa larangan ng panliligaw , may ilang mabisang paraan para makuha ang mga mahiyain. Pag-aralan mo ito ay sana’y iyong sundin. Kahit hindi mo siya kausapin at kahit sandali lang dapat ay lagi kang didikit sa kanya or dapat ay malapit ka lang sa kanya , nakatayo nakaupo, sa likod , sa harap or sa gilid ,Ang agwat ay kailangan na nasa loob ka isang metro mula mismo sa kanya. Ang tawag dito , iho, ay ang pagniniig ng dalawang Aura. Ang bawat tao ay may kanya=kanyang Aura o Hindi Nakikitang Liwanag ng Isang Tao. Humigit kumulang isang metro ang liwanag naito mula mismo sa kanya. Kapag ang pwesto mo ay nasa loob ng kanyang Aura , ibig sabihin , siya rin o ang kanyang Aura ay nasa loob ng iyong Aura. At dahil ayon sa panaginip mo ay gusto ka rin naman niya , ang inyong mga Aura ay magkakaniig kaya kayo ay magiging kayo ,as in, siya ay magiging girlfriend mo. Ang salitang “pagniniig” ay medyo hindi na ginagamit sa ngayon ,kaya papalitan muna natin ito ng isa pang salitang siya kanyang kahulugan , at ito ay ang “ mag-uulayaw.” Kung sakaling medyo malalim pa rin saiyo ang salitang nasabi , papalitan uli muna natin ng “magmamahalan” as in , sila ay magkarelasyon. Ibig sabihin ,iho , sa pagniniig ng dalawang Aura , naubuo ang isang Pag-ibig. Kaya mong gawin yan, ‘di ba ? Dahil hindi naman ngangailangan na mag-usap pa kayo o kausapin mo siya!Lalapit ka lang naman sa kanya! Madali lang ,’di ba , dahil kahit hindi naman mismo sa harapan niya , pwede kang tumabi sa kanya? Sundin mo dahil ang mahiwagang paaran na ito ay sobrang epektibo. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. ( panaginip_bulgar@yahoo.com) ."