Dream
Solutions
Tagalog Version
element in dream
Dear Professor,
Magandang araw po ! Ask ko lang po sana kung bakit palagi po akong nanaginip na nakasakay daw po ako sa bangka sa may ilog sa may ilalim ng tulay. Tapos , palagi din akong nanaginip na may hawak na pera, 20 pesos , mga coins daw ang hawak ko rin. Maraming salamat po!
Aya.
Saiyo Aya,
Pagtakas sa kasalukuyang kalagayan ang laman ng iyong isipan sa ngayon kaya masasalamin na gustong –gusto mo na magkaroon ng pagbabago ang buhay mo na ayon saiyo mabuti pa ang magpakalayo –layo , as in , talagang malayo na kung saan , makakalimutan mo ang lahat ng iyong nakaraan.
Sa buhay ng bawat tao dumarating ang panahon na nagnanasa siya na magkaroon ng pagbabago sa buhay niya at ang mga panaginip ay siyang pinakasalamin ang nasabing pangarap niya. Kapag ang nanaginip ay kabilang sa Airtye na tao , ang mapapanaginipan niya ay nakasakay siya sa eroplano or airplain. Kapag naman kabilang sa mga Firetype , ang mapapanaginipan naman niya ay mga bulalakaw or mga shooting stars.
Kapag naman siya isang Earthtype , ang mapapanaginipan naman niya ay nasa magandang tanawin na may bukurin o taniman ng mga halaman.At ayon sa panaginip mo ,ikaw ay napabilang sa Watetype dahil sa bangka o boat ka nakasakay.
Ang mga Airtype , dadalhin ng kanilang mga pangarap sa kung saan sila ay liligaya. Ang mga Firetype sa pamamagitan ng nag-alaab na hangarin , makakamit nila ang kanilang mga ambisyon. Ang mga Eartype, tibay ng katawan ang magdadala sa kanila sa kaginhawahan. At ikaw na isang Watertye, ang iyong damdamin ang susi mo sa pagkakaroon ng maligayang buhay.
Ayon sa panaginip , sakyan mo an agos ng iyong dadamin, huwag kang kokontra ni sasalungat. Huwag kang ring tututol sa bulong ng iyong damdamin , at ang pag-aalinlangan kahit kailan ay huwag mong bibigyan ng puwang.
Kapag may nagsabi saiyo na ito ang tama , ito ang mabuti at ito ang matuwig , pakingan mo lang pero ang sariling damdamin mo pa rin ang iyong susundin. Kapag may nagpayo saiyo na mas maganda ito , mas mainaman ito , at mas masarap ang ganito , ngumiti ka lang at kung ano ang sinasabi ng iyong damdamin , iyo ang iyong pansinin.
Oo , ang damdamin ng mga Watertype ang susi nila sa tagumpay. Ito mismo ang ibaon mo sa puso mo kaya muli , uulitin natin ang sabi n panaginip ,na sakyan mo ang bulong ng iyong damdamin. Kapag nakamlimutan ang payo ng iyong panaginip , mabibigo ka pero kung maalala mo muli na ang payo na para saiyo , ang kabiguna ay magiging pansamantala lang dahil muling aagos ang daloy n kapalaran mo sa kung saan ay naroon ang iyong ligaya.
Oo , damdamin ang susi ng tagumpay ng mga tulad mon Waterype, pero , bilng paglilinaw ay sarili damdamin , ibig sabihin , hindi ka dapat na paaimpluwensya sa ibang damdamin. Kaya huwag kang papatangay sa damdamin ng iba , ‘wag pabubuyo ,papauuto at ‘wag kang papadaya ng dahil lang sa nahawa ka sa damdamin ng iba.
Dahil ibingay na ng panaginip mo ang paraan upang magkaroon ka ng maligayang buhay , umaaasa ako na hindi ka na maliligaw.
Kapag napanaginipan ang mga coins , ang nanaginip ay pinaniwalaang minamaliit niya ang kanyang sarili. Kung gaano ang halaga ng pera na napanaginipan , ganun din ang halaga ng pagkatao ng nanaginip dahil iyon ang nasa isip niya na kanyang halaga.
Kapag naman ayon sa kanya ay wala siyang katapat na halaga , ang mapapanaginipan niya ay ang hindi mabilang-bilang na mga pera. At kapag naman malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili , milyong –milyong piso ang mapapanaginipan niya . Kapag naman sa palagay niya ay kulang ang milyong –piso bilang katapat niya , matutulad siya sa nadinig ko sa isang drama sa T.V , na ang sabi ng magandang bidang babae , “ Thank yo , for telling me I’m worth 50 milliion pesos.”
Good Luck and God Bless.
."