top of page

Ang “alupihan” kapag napanaginipan

Dear Professor, Hello po! Gud pm po! I hope you're fine always! Share ko lang po yung dream ko kagabi , napanaginipan ko po yung isang friend ko na may lust desire daw po sa akin. Marami daw po kami magkakatabi matulog pero gumawa daw sya ng paraan na makatabi ako, pasimple nya daw hinawakan ang kamay ko kahit andyan lang daw sa paligid ang asawa ko. Hindi lang po eto ang first time na napanaginipan ko sya. Palagi pong ganun sa panaginip ko na gustong gusto nya ako or nagnanasa sya sa akin. Ano po ba ang ibig sabihin ng panaginip ko na yun? Salamat p ,antayin ko po sagot nyo at kung hindi po kalabisan isama nyo na rin po ano ibig sabihin ng panaginip ko tungkol sa alupihan. Salamat po uli, Go bless po! Mwaahh! MGC.

Saiyo MGC, Erotic Love , ang tawag sa pag-ibig na ang malakas na pwersa ay ang pagnanasang pangseksuwal. Object of Desire naman ang tawag sa pinagnanasaan. Sex maniac naman ang tawag sa sinumang nagnanasa sa hindi naman dapat niyang pagnasaan. Kaya , yon friend mo na napanagnipan mong may pagnanasa saiyo , pwedeng tawagin manyakis na friend ‘to. Ang love ng magkakaibigan ay friendly love .Ito ay hindi dapat na mahaluan ng pagnanasang pangseksuwal. Ang tawag naman sa friendl love ay Philadephia . Pero dito sa atin sa Pinas , mga kaiabigan tayong maharot at mahulig na mang- tsansing ,as in , para na ring mga manyakis pero hindi naman talaga sex ang nasa isip kasi nga pan-tsa-tsansing lang ang nais , kaya sia ay tinatawag na naman mga Pilyo at Pilya. Minsan nga nagkawentuhan kami ni Maestero , ang sabi niya si Ambo , may gustog gawin kolum na ang pamagat ay “ Si Pilyo at Si Pilya” advice kolum daw ito tungkol sa love at iba pa. Nang madinig ko , ang unang pumasok ulo ko, ‘bat kaya pati negosyo sa tootbrush papasukin ni Ambo. Pero ng madinig ko ang Pilya , bigla akong natawa. At nasabi ko, talaga pa lang si Ambo , sobrang nakapagaling na dyarista , bukod sa matalino , may pagkapilyo. Pero yon friend mo na napanaginipan mo, hindi naman Pilyo talagang siya ay manyakis ,dahil sa siya ay siya ay may pagnanasa saiyo. Dahil dito , ikaw ay pinag-iingat dahil ayon sa panaginip mo gusto ka niyang makasex at ika ay kanyang pinagpapantasyahan. At para makaiwas ka sa maselang problemang maaaring sumaiyo , mas maganda na bawas-bawasan mo ang iyong sex appeal lalo na kapag sya ay kasama. Paano ? Huwag kang ngingiti ng sobrang matamis kapag kayo’y nagkikita at bawasan mo rin ang iyong tawa kapag nagkukwento siya. Hangga’t maaari din ay huwag kang magsuot ng mga sexy dress kapag siya ay katabi mo. Huwag mong rin siyang sasalanagin o hihipuin . Bawal din na magkadikit ang iyong balat kahit braso lang o kamay lang. Huwag ka ring magkukuwento sa kanya ng tungkol sa mga problema mo sa pamilya at sa iyong asawa. Pero huwag ka rin magsasabi sa kanya ng mga personal mong problema. At huwag mo rin bibigyan ng pansin ang mga kwento niya tungkol sa buhay niya. Kapag nagawa mo ang mga iyan , ang iyong karisma ay mawawala na ang talab sa kanya at mawawala na rin ang kanyang pagnanasa. Pero si Ambo , minsan nakakwentuhan ko ,dahil sabi niya , yon daw isang friend niya humingi sa kanya ng adivces kung paano raw niya lalayuan yon sobra ang pagkakagusto sa kanya. Pinayuhan dawa niya na huwag maligo ng mga ilang araw tapos ay makipagkita raw dun sa may gusto sa kanya. Alam mo , ang masayang ibinalita ni Ambo , super epektib daw nong payo niya kasi daw ay hindi na ginugulo yon friend niya ng may kursunada sa kanya. Ito pa lang si Ambo ,Pilyo talaga , noh? At yon pangarap niyang advice kolum tungkol sa mga love problems at iba pa , palagay ko , magiging sobrang maganda. Ikaw , ano sa palagay mo. Muli, mag-ingat ka dahil yon friend na napanaginipan mo , tagalang may pagnanasa saiyo. At dahil sa mga napanaginipan , pwedeng rin maging kayo ,as in , pwede kang mahulog sa tukso. Ang “alupihan” kapag napanaginipan ang nanaginip ay pinaniwalaang makakahawak ng bundle –bundle na mga tig-iisang daang piso. Kaya ito rin ay nagsasabing susuwertihin ka sa mga pakikipagsapalaran. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. . ( panaginip_bulgar@yahoo.com )"

bottom of page