top of page

paunang impormasyon na ang nanaginip ay pwedeng dalawin ni Kamatayan 

Dear Professor, Nais ko lang pong malaman ang kasagutan sa aking panaginip. Madalas ko pong mapanaginipan ito sa hapon at 3 beses na po itong naulit. Sa panaginip ko raw po ay nakahiga kami ng kaibigan ko sa kwarto namin na may kasamang lalaking kano. At gusto po ng kano na may mangyari sa amin. Mahimbing po ang tulog ng kasama ko habang ako naman ay nakikipaghalikan dun sa kano.Ng biglang dumating ang amo ko at kumakatok sa harap ng pintuan,ngunit di ko pinansin. Sinabi ko sa kano na sandali lang at sisilipin ko lang ang pinto kung andyan pa amo ko.Pagbalik ko po nagulat ako ng bigla nalang nyang puluputan ng nylon cord ang leeg ko ng limang ikot. At tawa ng tawa ang kano. Sa panaginip ko po namatay ako.Madalas ko din pong mapanaginipan na minumulto ako at pinapatay. May tao kayang balak akong gawan ng masama. Gusto ko lang pong malaman ,Prof.kung bakit ganun? Sana po tulungan nyo ako.Maraming salamat. Ms. Emotera.

Saiyo Ms. Emotera, Unahin po muna natin ang sinabi mong sa panaginip mo ay namatay ka . Dahil mas malamang naito ang iyong ipinag-alala. Hindi po nagbabala ang kamatayan ang mga panaginip na namatay ang mismong nanaginip sa kanyang panaginip. Pero totoo po na ang mga panaginip ay nagbibigay ng mga paunang impormasyon na ang nanaginip ay pwedeng dalawin ni Kamatayan; Narito po ang ilang panaginip na ang nanaginip ay posibleng bawian na ng buhay. a) Nakita niya sa kanyang panaginip na lahulog ang orasan , wall clock or relos sa kamay. b) Napatid na bigla ang kwintas sa kanyang leeg and /or nasra ang kanyang mga personal na gamit. c) Biglang paghinto ng mga makina sa loob ng bahay o ng sasakyan. Ang biglang naging red light ang street signal habang nag-da –drive. d) Ayaw ng tumubo at biglang natuyo ang mga halaman. Naubos ang buhok at nalagas na lahat ng mga ngipin. e) Biglaang pagdilim ng paligid . Nawala ang electricity .At siya ay kinuha ng malakas na hangin na parang napasok siya sa Eye Of The Storm. f) At ang sa panaginip niya,siya ay walang paa . Kahit isa sa mga ito , sa mga panaginip na ikinuweto mo ay wala ang ganito kaya , hindi ka pa mamatay at wala ring nagbabanta sa iyong buhay na ,as in , papatayin ka at ikaw ay mamatay. Pero po ang banta o panganib na mamatay ang isang tao ay lagi namang nandyan lang , lalo na sa ngayong ang walang magawa ang kapulisan na labanan ang kriminalidad magkaganuman , ang tao ay hindi naman ganun-ganun lang na lang papayagan ng kanyang kapalaran na makipagkita na sa may malalang sa kanya. Ang mga panaginip naman sa multo ay hindi rin nagbabala ng Kamatayan , simpleng nagsasabi lang ang mga ito na ang nanaginip ay “pinagmumultuhan” ng kanyang mga pangit na karanasan. Kahit na mapanaginipan ng tao na siya ay pinatay , hindi pa rin siya mamatay sa tunay na buhay dahil ang ganitong panaginip ay nangangahulugan lang naman na may kailangan siyang “patayin” sa kanyang mga kasalukuyang mga katangian upang siya ay magkaroon ng Bagong Buhay or Bagong Kapalaran. Ang tungkol naman sa panaginip mo sa kano na nakahalikan mo sa panaginio mo ay nagbabalitang may makakarelasyon ka na isang foreigner . Pero , hindi lang halikan ang inilarawan ng iyong panaginip na ito ,kundi isang malalimang pakikipagrelasyon na kung dierektang sasabhin ay siya at ikaw ay magtatalik dahil ang pinaikitan ka ng cord sa leeg ay palatandaan na mararansan mo ang hindi makahinga habang nakikipagtalik. Pero ang pinakamasayang balita , na mas masaya pa kaysa pagtawa ng kano sa panaginip mo ay ang ikaw , Dasky , ayon sa panaginip mo pwedeng suwertihin sa mga sugal o pakikipagsapalaran dahil sa lumitaw ng malinaw sa panaginip mo ang numerong (5) five na numero na nagbibigay ng marami at sunod –suno na pananalo. Hanggang sa muli , Professor Seigusmundo del Mundo. ."

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page