top of page

ang mga panaginip mo pala ay mga Awit ng Pag-ibig.

Dear Professor, Hi! Ang galing nyo po talaga mag -analisa ng mga panaginip. Help naman po! Bakit po kaya ako nakaka-panaginip madalas na marami daw lalaki ang nagkakagusto sakin? Minsan may b.f ako sa panaginip na talagang nakakakilig po! Meron pa nga engaged na daw po ako sa guy na yon. Pero lahat ng lalaking yon ay hindi ko po kilala. Sa totong buhay po wala naman nanliligaw sa akin. Kaya ‘ pag masaya yon mga panaginip ko nanghihinayang po ako paggising ko. .Minsan tuloy nasasabi ko pwede bng tumira na lang sa panaginip ,at least doon ,nakakaramdam ako ng saya. Minsan ‘pag malungkot ako at ako’y natutulog , tatakbo na lang ako ng tatakbo sa panaginip ng pagkalayo -layo na hindi ko alam kung san ang destinasyon. Andyan ‘yon mahuhulog ako sa bangin sa bilis ng tumakbo pero may mga taong pumipigil sakin para hindi ako matuloy . May mga taong nagliligtas sa akin sa panaginip. Prof, ano po ba ang ibig sabihin nito?Sana po matulungan nyo ako ! Thanks , Idol and More Power and God Bless. Salvhie.

Saiyo Salvhie, Naku , iha , mas masaya sa tunay na mundo kaysa mundo ng mga panaginip! Kumbaga , mas maganda ang aktuwal na mga karanasan kaysa sa mga anumang bagay. Kasi , alam mo, sa mga panaginip ang lumiligaya at sumaya ay hindi ang pisikal na katawan ,kaya , kapos at kulang ang ligayang kaloob ng mga panaginip. May isa pang malaking pagkakaiba sa saya at ligaya na nasa mga panaginip . Sa panaginip , ‘di ba , ikaw ay naging masaya at maligaya , pero , ikaw lang ! Dahil ‘yon partner mo na nakapiling mo sa panaginip , hindi ba , hindi naman sumaya dahil ikaw lang naman ang nanaginip at hindi siya. Dito sa mundo ng tao , sa tunay na mundo na mundo ng reyalidad ,ang sumaya at lumigaya , na-i-si-share niya ang kanyang nadadama sa partner niya , kumbaga , ang dalawang nagmamahalan ay kapwa lumiligaya. Lumiligaya ka at siya ay ganundin , lumiligaya rin. Kaya kapag mas pinili ng tao ang saya at ligaya na nakukuha sa mga panaginip , siya ay madamot at makasarili at makikitang nag-iisa , dahil dito , hindi siya tunay na masaya at mas tama pa na sabihin siya’ alipin ng pangungulila. Kaya ang payo , ibahagi mo sa kapwa mo ang saya at ligaya na ipinakita saiyo ng iyong mga panaginip na kung saan ay may karelasyon ka. Huwag mong pagdamutan ang sarili mo na aktuwak an lumigaya at bigyan mo ng tunay na ligaya mo ang sarili at ang kapwa mo. Magmahal ka at liligaya ka at ang mamahalin liligaya rin. Paano mo gagawin ? Una , tuturuan mo na sumaya mismo ang iyong pagkatao. Kahit na nag-iisa ka , kumanta ka , yon mga awitin , tugma sa iyong buhay , hindi malahaga , kung malungkot ang awit mo , hindi rin importente kung ito manan ay lalo lang nagpapalungkot sa damdamin mo , kaya kahit na maiyak ka pa sa pag-awit mo ituloy mo lang ng ituloy hanggang sa matapos mo ang buong kanta. Dahil ang totoo , kahit na sobrang malungkot ang awit ng isang tao , hindi maikakalang sa lungkot na nadama niya , siya ay sumaya. Awit ang gumigising sa ating kamalayan at kapag nagising ang ating kamalayan ng isang awit , maaaring hindi ka maniwala , magkakaroon din ng awit ang mismong buhay mo. Ang awit , iha , ay may magkakatugmang nota at mga lyrics , kaya kapag may Awit ang ating buhay , magiging magkakatugma rin at magigng maayos ang mga kaganapang ating mararanasan. At hindi lang ito , maging ang mga kilos ,galaw at mga pananalita mo ay maging isa rin pag-awit. Kumbaga , kahit na hindi mo binibigkas ang mga letra , ikaw ay magiging isan awitin at dito na magsisimulang magkaroon ka ng nakakahaling personalidad kaya .marami ang lihim na hahanga saiyo ,marami ang magkakagustong makasama ka ,makakwentuhan at ang iba sa kanila , sa huli ay hindi na mananatiling nasa lihim , ilalantad na niya ang kanilang nadadama para saiyo at ikaw ay magkakaroon ng masayang buhay sa mundo ng reyalidad. Kapag nagkaganun , maunawaan muna na ang mga panaginip mo pala ay mga Awit ng Pag-ibig. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. ."

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page