top of page

Isa sa pinakamagandang mapanaginipan ng tao ang nakakita siya ng “Wishing Star.”

Dear Professor , Ask ko lang po ,nanaginip po kasi ako nakakita ako ng wishing star . Two times po nangyari na napanaginipan ko ‘to. Ano bang ibig sabihin non ? Salamat po sana po masagot nyo yung tanong ko . Joy.

Saiyo Joy, Isa sa pinakamagandang mapanaginipan ng tao ang nakakita siya ng “Wishing Star.” Dahil pwedeng magkatotoo ang kanyang mga hiling sa buhay. Kaya ang tanong, Ikaw , Joy , ano ba ang request mo na gusto mong mapasaiyo ? Hiling na ! Ngayon na! Kaya lang may kondisyon at ito ay ang kailangan na mabilis mong masasabi ang hiling mo! Kaya , ulit uli , tayo , ano ba Joy ang hiling mo para sa buhay mo? Hiling na ! Ngayon na! Dapat mabilis mong masasabi ang hiling mo. Pero bakit ba kailangan mabilis na masabi ng isang tao ang kanyang wish kapag nakakakita siya ng Wishing Star sa kanyang panaginip at maging sa tunay na buhay? Dahil sa ang isa sa sekreto ng paghiling , request or wish at mga panalangin ay ang “Huwag kang mag-aalingan!” Kaya kapag matagal ang pagsagot sa ano ba ang gusto mo sa buhay mo , ibig sabihin , hindi ka sure sa sasabihin mo! Kaya , hindi rin muna sasagot ang “Tagapagpatupad” ng mga Kahilingan ng tao. Kung sabagay ,kahit naman sa iba pang larangan ng buhay, ang mga nag-aalilangan ay ang mga napag-iiwanan , bigo sa buhay at mga uuwing luhaan. Samantala ang mga tukoy niya kung ang gusto niya sa buhay , sila ang nagkakamit ng mga karangalan at sila rin ay makikitang may matagumpay na buhay. Ang maganda dito sa panaginip mo sa Wishing Stars mo ay ang two times na nakita mo ito na nagsasabing na kahit naman hindi mo agad natukoy kung ano ang gusto mo , binigyan ka pa muli ng isa pagkakataon na makapag-wish. Kitang –kitang mahal ka ng Langit at ikaw ay Kanyang naunawaan sa ngayon . At dahil mahal ka ng Langit , hindi nakakapagtaka na ang mismong Wishing Star mo ay manaog sa lupa na bumaba dito at mag-anyong isang tao. Nakakatuwa ‘di ba,na ang iyong, makakaharap mo ng mukhaan ? Kaya lang huwag ka munang labis na magalak , dahil , hindi naman agad –agad ay matutupad ang hiling mo sa buhay ,dahil siya ,ang iyong Bituin kaya bababa sa lupat at sasamahan ka ay upang tuturuan ka na huwag mag-alinlangan. Turuan ka rin niya na magpasya ng mabili , kumilos ng mabilis at tuturuan ka niya na magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo. Ipapakita niya saiyo na kapag hindi nag-aalinlangan ang tao , anuman ang kanyang gusto mapasakamay niya. Aalisin din niya sa isip mo ang mga bagay na nagbibigay saiyo ng kalituhan , pag-alala at ang mga negatibong pananaw at babaguhin ka niya hanggang sa maging ganap kang maging isang Bagong Tao. Pangkaraniwan , kapag girl ang nanaginip , isang boy ang ibibigay sa kanya ng kanyang kapalaran na siyang maging lakas niya at tapang , pero iwasan mong mainlove sa kanya dahil ang misyon lang naman niya ay kung paano ka tuturuan na makamit mo ang mga gusto mo sa buhay. Ibig sabihin , kapag okey ka na , mawawala na rin siya dahil sa totoo lang hindi mo na rin siya kailangan that time na kayang - kaya munang mag-isa. Ang mga Bituin ay para sa Langit ang mga Tao naman ay para sa lupa , kaya , huwag kang malulungkot kapag siya ay nawala na sa buhay mo. Magkaganuman, nasa Langit man o nasa Lupa ang iyong Bituin , patuloy rin naman na pagmamasdan . At kapag sa buhay mo ay muling dumating ang dilim at kawalang pag-asa , muli siyang magpapakita kaya muli mong mapapanaginipan ang iyong Bituin. Kaya muli ring ikaw ay aking tatanungin, ano ang gagawin mo kapag nakita mo sa panaginip mo iyong ang Wishing Star? Ano pa , eh ‘di ,humiling

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page