top of page

Kapag napaginipan ang mga barya

Dear Professor, Ano po ibig sabihin ng panaginip po na maraming tig- isang libo na pera? Tapos ,may barya din po na papel? Michelle.

Saiyo Michelle, Wala na yatang baryang papel sa ngayon , di ba? Pero ng mabasa ko itong e-mail muna ito, naalala ko yong pamangkin kong is Abe , na sobrang nakapahilig mangolekta ng mga bagay na antik na. Isa sa mga koleksyon niya ay ang mga baryang papel. Ang gaganda ng kulay , tanda ko , may papel na singko , diyes , twenty at fifty centavos. Meron din siya ng perang papel na one peso at two pesos , tapos , may roon ding five pesos at ten pesos. Pero ang mga ito , hindi naman kasama sa mga tinatawag na barya. Minsan naman nakita ko si Maestro Honorio may dalang malaking frame , sabi ko , ano gagawin mo dyan , sabi niya , ilalagay daw niya sa freme ang koleksyon niya ng mga coins , now ,dun sa sala ni Maestro makikita ang malaking frame na ang nandun ay maraming coins. Nagkagadahan ako , kaya , humingi ako ng mga coins sa isang friend ko na nasa Hongkong , pinadala naman kaya lang hindi ko pa nailagay sa frame , kasi yon frame pala masyadong mahal ,as in , malaki rin pala ang presyo. Kapag napaginipan ang mga barya , ang nanaginip ay pinaniwalaang minamaliit ang halaga ng kanya mismong sarili. Para bang sinasabi niya ako ay barya lang kaya maliit lang ang aking pagkatao . Kaya , inaakala niyang siya ay mababa , api at walang gaanong halaga sa lipunan na kanyang ginagalawan. Kapag naman ang napaniniginipan ay libo-libong halaga ng pera ang nanaginip ay pinainiwalaan higit na may kaya kaysa sa mga taong nasa paligid niya , kumbaga , ang kanyang mga katangian ay mas angat kaysa sa kanyang mga kakilala , kasama at mga kaibigan. Kaya lang inililihim niya at ayaw na ipakita kung sino talaga siya. Kapag naman inikukunsidera niya na mg baryo ang perang papel na hindi naman mga coins , ibig sabihin , malaki ang potensyal na siya ay magkaroon ng malaking yaman mula sa negosyong kanyang tutukan. Ang ganito rin panaginip ay may mensahe na ‘mahalin mo ang pera at mamahalin ka rin niya kaya nga yayaman ka! Dahil dito mayroon akong gustong ituro saiyo kung paano maipapakita na minamahaga ng tao ang kanyang mga pera. Gawin mo , ha ! Para malaman mong totoo pala na ang mga panaginip tungkol sa mga pera ay nangangako ng pagyaman sa larangan ng pagnenegosyo. Ang mga coins ilalagay sa isang lalagyan na mg coins lang ang nandun. Hindi ito gagalawin hanggang sa dumami at kapag madami na pagsasama-samahin ang magkakamukha coins at saka gagamitin sa anumang pangangailangan. Sa ganitong paraan ang mga coins ay magiging kasing halaga ng mga perang papel. Ang mga perang papel naman hindi basta –basta na lang nasa lalagyan o nasa wallet lang or nasa bulsa. Dapat na makaugalian ng isang tao na ang mga ito ay ayusin ng tama. Paano ? Iba-bundle ang mga ito na ang nasa isang panig lang ang harap ng pera o sama –sama na nasa isang panig din ang kilod ng pera. Pero kailangan na pagkakaayos ay sa ganito ; halimbawa, ang mga larawan ni Ninoy ay makikita lang sa iisang dulo, ganundin sa iba pang mga perang papel na ang mga larawan ay nasa iisang panig lang. Kailangan din na ang mga bago or medyo bago pa ay hindi kasama ng mga luma o lumang luma na at kung sakaling sila’y nasa sa isang bundle , kailangan na magkakasunod ang mga bago at pagtapos ay magkakasunod naman ang mga luma. Hindi madali ,iha , ang maging isang tunay na negosyante ,’di ba? Kasi kailangan na marunong siyang mag-ayos ng kanyang mga pera. Pero hindi ka manghihinayang sa kaalaamang aking sinasabi sa ngayon , dahil dito mismo magsisimula na magkatooo ang panaginip mo na ikaw ay yayaman sa pagnenegosyo. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo. ."

bottom of page