top of page

Sa panaginip ko po ay may kapangyarihan daw po ako

Dear Professor, Magandang araw po sainyo ! Ask ko lang po kung ano ang ibig sabihin ng napanaginipan ko! Sa panaginip ko po ay may kapangyarihan daw po ako at sa panaginip ko po ay marunong daw po ako manggamot at sa panaginip ko po namatay daw po ang kaibigin ko at nakalibing na sya pero po nakikita ko po yung kaluluwa nya at sinabi ko po sa kanya na bubuhayin ko sya at nabuhay ko nga po sya. At may program po daw sa aming school at nagkagulo po kasi namatay at nabaon sa lupa ang dati ko pong crush... na lungkot daw po ako sa panaginip ko at nung pauwi na po kami nandoon po kami sa my tulay ay nakita ko po yung kaluluwa ng crush ko at sinabi ko po na buhayin ko sya ....at duon na po ako nagising. At nung pong nagising ako naalala ko po yung crush kasi po dati po syang nanliligaw sa akin ngunit hindi ko sya sinagot kahit na gusto rin po sya... at nung nagising ako naramdaman ko po na gusto ko pa rin po sya...!!! Sana po ay inyong masagot ang aking panaginip!!! Ang iyong tagahanga, Zandra.

Saiyo Zandra, Lahat ng tao may kakayahang manggamot , sa sakit ng katawan , sa sakit ng kalooban at sa sakit ng damdamin kaya nga ang mga sakit na dahil sa pag-ibig ay kusa rin namang nawawla as in gumagaling. Sa panaginip mo , masasalamin na magagamot mo ang nararamdaman puso mo na hindi mo sinagot noon ang crush mo pero hanggang sa ngayon ay siya pa rin ang mahal mo.Oo , Zandra , magagamot mo ang munting problema mo sa puso dahil ang kaibigan mo na nasa panaginip ay hindi naman talaga siya ay isa mga tunay na kaibigan mo kundi siya ay ang mismong sarili mo. May kakayahan din ang tao na bumuhay! Nagagawa nating buhayin ang ating mga namatay ng pangarap , kahit nga ang namatay na nating sarili dahil nagbago o nag-iba na tayo muli nating nabubuhay. Kaya sa panaginip mo ang binuhay mo ay ang dating sarili mo na inlove sa crush mo. Pero kahit naman buhay na muli ang dating ikaw , kailangan pa rin na buhayin mo ang pagtingin saiyo ng crush mo na dating ng nanligawa saiyo. Kumbaga , kailangan muling maibalik ang masasayang suyuan ninyo na nasayang dahil hindi mo siya sinagot. Narito , Zandra ang ilang nakakatuwang paraan para maginng kayo na ng crush mo; Sa mga sandali na naalala mo siya , ngingiti ka! Simple lang ‘di ba ? Pero hindi simpleng bagay lang yan dahil kapag sinunod mo at nagkita muli kayo sa gusto mo o sa ayaw mo o sa nahhiya ka o naaasiwa kusang mapaa-smile ka! Alam mo , iha , mahiwaga ang pag-ibig. Minsan sadyang napakahirap na manawaan pero wala naman tayong magawa kundi ang sakyang ang damdamin na magmahal. Babae man o lalaki ,tukoy nila ang ngiti ng pag-ibig. Oo ,maraming klase ng ngiti pero ang ngiti ng pag-ibig , alam na alam at damang –dama ng sinuman. Kaya nga ang pagmamahalan ,sa totoo lang nagsisimula sa ngitian. Siguro sa nasabi kong iyan , maniniwala ka , ‘di ba? Dahil ikaw na mismo ang magsasabi sa sarili mo na walang nagkaroon ng relasyon ng walang ngiting namagitan. Pero may mga ngiti rin ng pag-ibig na hindi naman totohanan , as in , hindi ngiti na para sa true love. Ito ang iyong iwasan at pero bilang pagtatapat saiyo , sobra din ang kapangyarihan ng mga ngiting ito kaya , makaingat ka! Malalaman mo ang ngiti ng crush kong siya ay may pagtingin pa saiyo kapag nag-smile siya saiyo tapos ay biglang siyang napauyuko or napatingin sa lupa at dahil nakatitingan ka sa kanya , ang nakita mo ay ang pagkurap ng kanyang mga mata kaya ang naiwan sa paningin mo ay ang talukap ng kanyang mga mata kasi nga siya ay napatingin sa ibaba. Zandra , ‘di ba ganyang –ganyan ang nangyari saiyo ng nag-smile ka sa crush mo , napatingin ka sa ibaba at pagkatapos ng mabilis na pagngiti mo , ganyan , iha , ang tunay na ngiti ng pag-ibig. Eh , ano naman ang ngiti ng hindi naman para sa True Love? Ito ay mga ngiti rin na hindi na nakuha pang tumingin sa ibaba o sa lupa dahil ang mga mata ng nag-smile ay sa maseselang bahagi ng babae or lalaki nakatitig, tulad ng nag-smile siya pero tumingin siya sa labi , sa leeg , sa dibdib , sa may tiyan o pusod ,sa hita at sa iba pang bahagi ng katawan na mapang-akit. Muli , kapag nagkita kayo ng crush mo , mag-smile ka pero yon smile na para sa true love at siya rin ay mapapa-smile saiyo na tulad na true smile mo dahil ayon sa panaginip

bottom of page