top of page

ano po dapat kong gawin para mapanaginipan ko po siya?

Dear Professor, Tanong ko lang po , halimbawa po may taong gusto ko lagi mapanaginipan ano po dapat kong gawin para mapanaginipan ko po siya? Nylana. Saiyo Nylana,

Ganito yan ,iha , kapag ang tao ay mahimbing na natutulog , siya ay mananaginip. Ibig sabihin ng mahimbing ang katawan pisikal ay tulog na tulog . Kung ganun sino ang nasa panaginip na kumikilos,may ginagawa at siya ang bida sa kanyang panaginip ? Siya , iha ,ang katawan hindi nakikita ng tao. At yong pisikal nya ng katawan ,ang tawag naman ay ang katawang nakikita. May nagsasabi na ang katawan hindi nakikita ay si sobconsuous self , yon iba naman , ang sabi , ito ang ating unconscious self , may iba pa siyang pangalam depende sa kung ano ang gustong ipangalan sa kanya ng mga nag-aaral at nagsusuri sa mga panaginip ng tao. Ang totoo , hindi naman talaga mahalaga ang kung ano ang tawag sa kanya ,dahil kahit ano namana ang ipangalan sa kanya ,hindi naman mapapasinungalingan na magkaiba ang katawang hindi nakikita at ang kawatang pisikal ng tao. Tingnan ,kapag pinutol ang paa ng tao dahil siya ay may sakit o kusang naputol dahil sa aksidente ang paa na naputol ay tatawaging , “Paa ni ano” . Ibig sabihin ,yon paa mayroong may-ari. Ganundin kapag bangkay na o patay na ang tao ,sasabiin ay ang bangkay ay ang labi or remains, muli ,ito ay nangangahulugan na mayroon may-ari ng pisikal na katawan. Kaya nga magkaiba ang katawang hindi nakikita at ang katawang nakikita. Ang kamay mo saiyo na yan?Syempre , saiyo yan . Pero ang kamay mo ,di na hindi naman ikaw yan. Ang head , ang face at ang mismong body ng tao ay ganundin ,pag-aari ang mga ito ng katawang hindi nakikita. Siya kasi ang nakatira sa katawang pisikal. Kumbaga , bahay niya yan , diyan siya nananahan. Minsan , nabunggo natin ang baso sa lamesa , minsan , natisod tayo , minsan nakapagsalita tayo ng hindi naman nating gustong sabihin , ang lahat ng ito ang may kakagawan ay si unconscious self. Paano natin siya makakaugnayan gaya ng gusto mo na mapanaginipan ang taong gusto mong makasama sa ma panaginip mo? Eto ,iha ,ang ilang paraan- Si unconscius self , hindi pwedeng basta basta na lang gigisingin , sobrang makapangyarihan siya na malalagay sa panganib ang isang tao at ang kanyang kaligiran ,at ayaw niya ng siya ay basta –basta na lang gigisingin. Ang totoo nga , siya ay dapat lang na dahan-dahan na gigisingin , gaya ng mga pagkiliti sa kanyang kamalayan. Kikiliti siya sa pamamagitan ng mabilisang pagtana sa larawan ng taong gustong mapanaginipan , pwede rin na ang mga alaala sa taong gustong mapanaginipan ay mabilis na na alalayahin . hindipwede na tutukan ang mga alaala na pinagsaluhan dahil hindi nga pwede kay unconscious self ang ganun paraan. Kaya kung meron kang taong gusto mong makasama sa panaginip mo, mabilis mo lang siyang iisipin tapos magigiing abala ka sa ibang bagay, kumbaga ,dapat na sasagi lang siya sa isipan mo ,ganun lang. ganundin , kapag ang gusto mo ay halimbawa ay makahalikan mo sya sa iyong panaginip mabilis lang din na iisipin mo na masarap siyang kahalikan , hindi pwede na tuloy –tuloy na kompletong iisipin mo na kayo ay matagal na naghahalikan. Ganyan , iha, ang pagkiliti sa unconscious self ng tao . Dahil sa sobrang makapangyarihan ang katawang hindi nakikita , walang imposible sa kanya. Subukan mo at magugulat ka , at pweden pwedeng madalas mong mapapanaginipan nakasama mo ang taong gusto mong mapanaginipan Yon nga lang kailangan na wag mong kakalimutan na ang taong iyon ay mabilis lang na sasagi saiyon isipan sa mga oras na ikaw ay gising o hindi natutulog. Dahil , uulitin ko saiyo ,ang katawang hindi nakikita ay hindi pwedeng basta basata na lang gigisingin sa kanyang pananahimik o sa kanyang mahimbing na pananahan sa ating pisikal na katawan. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo.

bottom of page