top of page

Kyla: OBE or Stroke???

Kyla: OBE or Stroke???

    Posted by kyla on April 18, 2012 at 11:00am
    Send Message   View Blog

hindi ko alam kung bakit ako naggaganyan at ngyari narin sakin to dati...3 years ago na yata pero kanina habang agaw antok ako at gusto ko pa matulog eh biglang bumubukas ang bunganga ko at nagmamanhid yung mga katawan ko na parang di ako makagalaw pero pilit ko parin igalaw katawan ko at iniba ko ung puwesto nang ulo ko pero yun parin at natakot ako…

guys may kilala ba kayo na marunong mag interpret ng mga panaginip? hindi naman talaga ako nananaginip kung meron man nakakalimutan ko, dati ito pero ngayon halos araw araw at natatandaan ko

pero nung nilagay ko yung guardian diamond na maliit sa noo ko wala ako masyadong napapanaginipan or naalala at hindi sya nakakatakot

Comment by Liyam the Lumina on April 29, 2012 at 1:41am

    ang bangungot, hindi yan sa loob ng panaginip.  pag binabangungot ka, you are quite conscious and half awake.  aware ka sa paligid mo, hindi ka lang makagalaw. para kang na-comatose.  At ang pinaka significant dito, aware ang 6th sense mo. alam mo nakapikit ka pero kitang kita mo sa 3rd eye mo kung sinong kaluluwa o elemento na kasama mo sa kwarto.. masasabi mo kung anong kulay ng damit nya, kung babae o lalake sya, pati ang nararamdaman nya nachachannel mo din.  May sense of feeling ka din na dahil hindi ka makagalaw... may parang dahan dahan kang lumulubog at parang malulunod.

    techinically this is not OBE, dahil nga hindi ka nakaalis sa katawan mo.  pero 1st stage of getting there na yan.  I've been having this for the past few years na din.  And ang best way to deal with this is DO NOT PANIC!  Try to observe..

    kung may elemental na gusto makipag-usap, make sure na hindi ka nya kukulitin or yung parang feeling na dinidiin yung knuckles sa ribs na feeling.. yung masakit na nakakakiliti... Once you feel this, at hindi mo na matiis, try to wake up.  For sure kung saan mo naramdaman to, pag gising mo masakit pa din.

Comment by Esh y Nurah on April 23, 2012 at 12:01am
    Relax k lang pag inicp m kaya m. Tune in ka sa guide m pakiramdaman m at tawagin m kung panu m tawagin ang mga kaibigan na naki2ta m.

Comment by kyla on April 21, 2012 at 3:54pm

    esh panu ako makakahingi ng tulong eh palagi akong nag panic pag ganyan o kaya blanko ang isip ko

Comment by Esh y Nurah on April 21, 2012 at 12:36pm
    Ganyan tlga pag obe sanayan at practice tlga . Hingi ka ng help s guides m. Ganyan nangya2ri skin pag nagoobe aq gngwa q un pag matu2log n q pero minsan q lang gawin haha sa akin naku2ryente pa buong katawan q sa sobrang lakas natatakot aq minsan dahil parang mamatay ka na ung pakiramdam . Pero buti n lang nandyan guides q para ifacilitate ang gngwa q

Comment by iFrancoXIII on April 21, 2012 at 1:02am

    Nalala ko nagkaroon ako ng ganitong panaginip. Parang ganyan din na mamanhid ung ngalangala mo, pilit mo siyang isara pero ayaw gumalaw. Tapus pag nilalabanan mo unti unti mo siya maibabalik. Though di ko siya naranasan na pati katawan ko namamanhid.

Comment by kyla on April 20, 2012 at 7:05pm

    @abner hahaha aegis ah mamaya umulan nyan :)

    meron bang binabangunguto ng gising??

    sa totoo lang ayaw ko talaga mag obe dahil di maganda

Comment by Mr. A on April 20, 2012 at 2:59pm

    meron namang nangangarap ng gising o nananaginip ng gising di ba?
    gusto mo kantahin ko pa,

    "Nananaginip nang gising, nakatulala sa hangin
    Nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin
    Nababaliw ako sa `yo, bawat silakbo ng puso ko
    Sa isang sulok na lang, umiibig sa'yo…"
    ay sori, sintunado.

    ayan tuloy napakanta ako, yun sinasabi ko, baka may bangungot din ng gising!!

Comment by kyla on April 20, 2012 at 9:41am

    kalakoba ang bangungot eh sa loob ng panaginip?

    kasi gising na gising talaga ako nag iba pa nga ako ng puwesto dahil dun yun nga lang nakikipaglaban yung katawan ko sakin tapos nung di ko na kaya biglang nagmamanhid

    pero nga bihira lang sa akin yung bumubukas yung bunganga naranasan mo na ba yung mata mo pilit nagsasarado ganun rin sya kahit isarado mo bunganga mo eh nag bubukas parin sya

    pero naranasan ko na yung 3 beses pero di ko sure na panaginip yung pangalawa dahil yung una panaginip sya at medyo nakakatakot yung pangalawa nakagising na ako pero obe yun

Comment by Mr. A on April 20, 2012 at 12:15am

    baka naman binangungot ka lang?
    dati nakaranas ako nakikita ko ang paligid, naninigas buong katawan ko, hindi ko maigalaw, at nakakaramdam ako ng takot di ko alam kung bakit, siguro nga dahil sa hindi ako makagalaw, pray lang ako, ayun makakagalaw na ako at mahihimasmasan na ako.

    isang beses din naranasan ko parang walang katapusang panaginip, dahil 3 beses ako gumigising at bumabangon, pero sa bawat paggising at pagbangon ko, nasa loob pa rin pala ako ng aking panaginip, at dahil hindi ako pamilyar sa bawat lugar na nagigising ako, sabi ko sa sarili ko nanaginip pa rin ako, sa ikatlong paggising ko madilim, sabay hagilap ko sa higaan kong papag, dun ko nasabi ah ito na yung reyalidad, gising na talaga ako, pero ang pagod.

Comment by kyla on April 19, 2012 at 10:39pm

    abner di yan biro at nakakatakot dahil naglalaban ang sarili mo at yung katawan mo parang obe

    na yung mata mo eh nagsasara bigla kahit anung gawin mo

Comment by Mr. A on April 19, 2012 at 9:57pm

    kusang na-oopen ang mouth?

    NGANGA!!

    lol...

Comment by kyla on April 19, 2012 at 5:52pm

    von naman....ibig sabihin ba nun mey gusto sumapi sa akin??

    pero after nun nakatulog ulit ako at nanaginip

Comment by kyla on April 19, 2012 at 2:18pm

    chiny bka naman importante ung panaginip mo kaya hanggang ngayon naalala mo pa

    nag pray naman ako ung shield lang ang di ko pa ma-perfect

    gusto ko talaga malaman kung anu meaning nun pero bihira mangyari sakin yan

    parang syang epilepsy pero more of nagmamanhid ang katawan at automatic nag bubukas ang mouth

Comment by Chiny (KERUBIEL) on April 19, 2012 at 12:57pm

    waaaa kuya von pareho tayo :) naaalala ko pa  panaginip ko nung bata ako lalo na nung 5 years old ako .. tapos nung elementary ako . hehe

    ate kyla -  pray bago matulog at mag shield lagi  :)

Comment by kyla on April 19, 2012 at 8:31am

    ate grace anu ba meaning pag kusang nag open yung mouth?

    dahil dun di tuloy ako makatulog ng mahimbing

Comment by ++MisteReY 2013 on April 19, 2012 at 2:30am

    Since childhood ba yan tol element? Aba ang swerte mo kung tanda mo lahat ng dreams mo

Comment by Grace on April 19, 2012 at 12:43am
    Ang alam ko kuya Von pag po ganyan ay dahil sa ability na claircognisance. Kyla, advise ko is always pray and form a protection made of white bright light bago ka matulog.

bottom of page