top of page

ibig sabihin ng panaginip na laging may handaan may kainan

Dear Professor,
Ano po bang ibig sabihin ng panaginip na laging may handaan may kainan daw po at madaming pagkain na masasarap.... kasi daw po may okasyon at minsan sa panaginip ko fiesta daw po.... minsan naman di ko alam kung anong okasyon meron pero may kainan at madaming pagkain.
Ms.LCM.
Saaiyo Ms.LCM,
Maaring hindi ka agad-agad maniniwala sa sabihin ko saiyo na kapag nanaginip ng maraming pagkaing masasarap ang nanaginip ayaw kumain . Pero syempre , kakakain din naman kaya lang namimili siya ng kakaina at pangkaraniwang ang pinipili niya ay ang hindi masasarap.
Tulad ng madalas mong mabasa dito sa ating kolum ang mga naganap ay hindi naman basta na ang nangyayari , kumbaga ,may dahilang ang lahat ng bagay at ang ilang sa mga posibleng sanhi ng pag-ayaw mo sa mga pagkain ay ang mga sumusunod;
Nagdidiyeta siya ,ayaw niya na siya ay tumaba dahil naapektuhan siya ng mga balita na ang matataba ay mas madaling magkasit. Pwede rin na sya ay may sxy body at ayaw niya na mawala ang kanyang kaseksihan. Yon, iba naman , kahit guston kumain ng kumain ang ayaw naman ay ang kanyang karelasyon sa matataba kaya yon nanaginip nagtiis na hindi kumain ng marami. Meron din naman hindi siya pinagbawalan ng kanyang mahal kaya lang sa takot na baka siya palitan , hindi na rin siya kumakain ng marami.
Pero sa modernon panahon na kung saan ay maunlad na ang mga kaalaman ng mga tao , naapektuha naman sila ng sankatutak na kaalama na masasabing sa halip na makatulong sa buhay nila para sila ay maging masaya ay nagiging negatibo pa sa pagpili ng kakainin.
Minsan , namili ako sa palengke namin at nadinig ko ang sabi n isang babae , “ Ayaw ako ng gulay dahil alam ko kaya sariwa ang mga iyan ay dahil nilagyan nga ng formalin at ang formali daw ag pang-embalamo sa mga taya ,kaya bakit ako kakain ng mga gulay.”
Dagdad pa niya ayaw din daw niya ng mga prutas dahil ganun din daw ,in-isprayan din daw yon ng mga insecticide para tumagal.
‘Yon ,isang misis naman, ang sabi ,ayaw niya ng karne dahil baka daw doble dead ang kanyang mabili. Kaya nga raw ayaw niyang kumain sa mga fast food dahil daw hindi siya sure sa kung saan ba nanggaling ang mga niluluto dun na mga chicken.
Meron din mahigpit ang pagbabawal sa kanilang mga anak na huwag kakain ng mga sitsitra dahil daw ang sobrang maalat na nakasama sa kalusugan,kasama na raw sa hindi niya gustong kainin ngkanyang mga anak ang mga noddles.
Meron din na ang ayaw naman ay ang mga frozen foods dahil sa marami ang mga preservatives.
Ako nga nalito , kaya that time na napunta ako sa market namin sa bayan , sigarilyo at kape na lang ang binili ko kasi yon mga nadinig ko , mukha yatang totoo. Pero noong naglalakad na ako papauwi, biglan na isisip , ito naman na ang sigarilyo masama sa kalusugan , ‘wag na kayo akong manigarilyo? Ang kape kaya masama din kaya sa tao? Iyan nga ngayon ang labing inisip ko. Lalo na kapag nag-co-coffee every morning.
Pero ang naisip ko tungkol sa coffee ay ang ganito na ang masama siguro ay ang maraming kape na nainom ,kasi , 4 to 5 cups of coffe ang nakukunsumo ko sa umaga at ganundi karami sa hapon. Pero alam mo ,Ms.LCM , mas malakas magco-coffee sa akin si Maestro kasi siya more than 5 cups , pero mas marami ang kay Ambo , kasi nauubos yata niya ang isang malaking telmo sa kakakape.
Ang s kasama rin sa mga pagkain at ito rin ay sinasabing hind magandang inumin.
Kaya nga , ang tao sa ngayon talagang nalilito na dahil na rin sa mga impormasyon mula sa kung saan-saan sources. Sa pagkalito ito ng mga tao , hindi na rin sila masisisi kapag ayaw na sa mga pagkain.At kapag ang tao ay ayaw ng magkakain ng magkakain ,siya tulad mo ay makakapanaginip ng marami at masasarap na pagkain.
Oo ,mahirap na paniwalaan ang mga sinabi ko sa unahan kaya lang ito talaga ang lihim na katotohanan sa mga panaginip na gaya ng iyong napanaginipan. Dahil , dito ang iyong panaginip ay nagpapayo pero nagbabala din na ,kailangan mong kumain ng kumain at kamain ka ng masasarap na pagkain , kapag hindi mo binigyan ito ng konsiderasyon ang babala ay mapapabilang ka sa mga tinatawag na malnorishes at pwede kang magkasakit.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo.

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page