top of page

Franco: Sleep Paralysis or Something Else?

Magandang araw sa inyong lahat.

Tagal nadin yung huling post ko.

Nangyari ito mga dalwang linggo na nakakaraan.

Natutulog ako at bandang mga alas dos ng hapon nakaramdam ako ng isang mabigat na bagay na pumatong o humiga sa likod ko.

Sabi nila pag "Sleep Paralysis" eh madalas nakatihaya habang natutulog pero sa pagkakataon ito nakadapa ako.

Simula eh parang may pumatong lang sa akin tapus biglang lalong dumiin siya sa likod. Pabigat siya nang pabigat.

Alam ko nangyayari un pero nakapikit ako at di makadilat. Nagsimula akong magdasal ng Ama Namin.

Sa pangatlong beses na pagsabi ko nag Ama Namin lalong bumigat kung anu man nasa likod ko. Parang gusto niyang pumasok. Pagkatapos ko ng panglimang Ama Namin bigla nalang siyang nawala at gumaan na pakiramdam ko.

Bumaba ako at uminom ng tubig. Hanggang ngaun palaisipan sakin kung anu ang nangyari.

Kauna-unahang pagkakataon ito ay nangyari sakin.

Bago pa ako natulog eh kinakabahan ako sa di ko maitindihang rason. Siguro naramdam ko na mangyayari ito.

Salamat sa pagbabasa ;-)

Namaste
Views: 36
Tags: astral, dream, franco, nightmare,

bottom of page