top of page

Angelo: Close Encounters in Dreams (Astral?)

Peace and goodness to all members of MPN! Recently nagkaroon nanaman ako ng isang panaginip na kakaiba at sana ay matulungan nyo ako sa pag dedecode nito.

Nanaginip ako na kug saan ako ay lumilipad (lumulutang) at nakikita ko ang mga tuktok bundok na medyo natatakpan ng ulap pero pag nilalapitan ay nakikita ko ang detalyadong itsura ng mga ito. Nakikita ko na hindi nagbabago ang taas ng paglipad ko at walang kahirap hirap ang pag glide ko. Palipat lipat rin ako ng bundok na pinupuntahan at palaging tuktok ang nakikita ko (lagpas ulap).

Matapos nito ay bumaba ako sa isang pamilyar na lugar, at ako ay nasa isang kalsada. Nararamdaman ko ang lakas ng hangin na para bang nag uumpugan at nakita ko rin na di masyadong maaliwalas ang langit. Naglakad ako sa naturang kalsada at napansin ko na hindi ito maayos, sira sira kung baga. Nakita ko ang iba't ibang uri ng tao na ginagawa ang kalsada gamit ang buhangin at simento. Pero hindi ito naging balakid sa paglalakad ko. Bagkus ay ginawa ko pang praktisan ang mga buhangin upang kontrolin ang hangin sa mga palad ko na aking napag tagumpayan dahil nakagawa ako ng maliliit na ipo ipo sa mga buhangin na kinakagulat ng mga tao sa paligid ko.

Nung malapit nang matapos ang highway, may nakita akong isang mala ulap sa langit, ito ay kulay itim at ito ay parang aking hinahabol. Sinundan ko ito at napansin ko na hindi lang ako ang humahabol dito. Nakita ko ang isang pulutong na naka asul tila ba pulis, sinusundan din nila ang itim na usok. Di nila ako napapansin pero napansin ko na parang mas angat ako sa kanila, dahil mas mabilis ako at mas maliksi akong kumilos kaysa sa kanila. Natapos ang habulan sa isang sementeryo na kung saan napunta ako sa may isang nitso. Ito ay may bantay at ang itim na usok ay nag anyong tao at tila ba may kailangan sa bantay ng nitso. naglabasan rin ang mga tao na naninirahan sa may sementeryo na tila ba natatakot o may gustong protektahan. Na realize ko na pareho kami ng kailangan sa bantay ng nitso, pero nakuha nya ang laman nito, dahil pinigilan ako ng mga kampon nya. Sa paghaharap namin ng mga kampon ng black entity, Hindi sila maka porma sakin, tinanong ako ng isang entity kung saan daw ako gawa. Nakita ko ang isang mahabang ugat na nagdudugtong sa lahat ng glands ko sa katawan, mula ulo hanggang paa, at habang binabanggit ko bawat glands ay kumikinang ito na parang star, at ang kulay ng vein ay kulay blue dahil sa dumadaloy dito na blue. Nakito ko ang kabuuan nito at nakita ko ang buong katawan ko ay napapalooban ng asul na dugo at bawat glands ay dugtong dugtong sa bawat isa at ito ay nag go glow.

Nakita ko na maraming nasawi sa paglalaban, mga bata at babae, at bago ako magising, nakita ko na maghaharap na kami ng entity na maputi at naka black.
Views: 13
Tags: angelo, astral, dream, psychic, shadow, spirits
Like 1 member likes this ShareTwitterFacebook
< Previous Post
Next Post >
Comment

 

Follow – Email me when people comment
Comment by angelo on October 24, 2012 at 9:02am
nagkatotoo ang panaginip. Naunahan ako ng dark cloud, kasi nagpakita sya in a form of sunog medyo malayo sa simenteryo...
Comment by ++MisteReY 2013 on October 23, 2012 at 11:53pm
Astral experience nga.
Comment by Maricris, MPN girl on October 23, 2012 at 10:58pm
Its obviously an astral experience.  Mukhang namamasyal ka sa lugar na hindi mo dapat puntahan.  Mukhang tama ka at pareho kayo ng kailangan nung entity.  Sa vibes ko, ang pinag uusapan dito ay "katawang tao".

bottom of page