top of page

Bukirin sa panaginip

I'Dea Professor, Ano po kayang ibig sabihin ng panaginip ko. Ang panaginip ko po ay nasa swimming pool ako pero ang swimming pool daw po ay hanggang sakong ko lang ang babaw daw po kasi nilakad ko po hanggang dulo tapos po may mataas na pader pero naakyat ko daw po yung pader at dumungaw po ako sa kabilang pader may kasama po akong dumungaw di ko kilala. Sa kabilang pader nakita ko bukirin. Lady Cath.

Saiyo Lady Cath, Sa buhay ng tao , may mga bagay na nagpapapasaya , may mga napagkukunan ng ligaya at kung minsan , sinabi natin okey na tayo. Na para bang kuntento na tayo na para bang wala na tayong kailangan pa. Pero ,ang totoo , nasasabi lang naman natin ang ganun dahil ayaw nating makipagsapalaran ,ayaw natin bigyan ng pagkataon ang ating sarili na lumabas sa mismong mundong ating ginagalawan. Kaya kahit na alam natin, may mga magagandang kapalaran na nakalaan para satin , pinipili pa rin natin ang ating kasalukuyang buhay. Ang ganitong pananaw ay nagmumula lang sa mga taong ay mababaw kaligayahan. Ayon sa panaginip mo, sa ngayon ay isa ka sa mga maraming tao na ang gusto lang ay simpleng buhay ,magkaganunman , hindi lingid saiyo na malaki pa ang pag-asa mo na matulad sa mga taong kilala mo na nabubuhay sa kasaganaan. Noong nag-aaral pa ako , may ipinakitang photo yong teacher namin , na malawak na bukurin, berde or lutuin ang paligid , may mga sariwang damo na nandun din sa photo na iyon ang isang carabao pero may bakod yon , magandang burikin na iyon. Pero yon carabao , makikitang pilit na kinakain yong mga halaman sa kabila ng bakod. Taong ng teacher namin ,ano raw ang kahulugan ng photo na iyon? Sabi ng ibang classmetes ko, ang photo raw ay magandang ilagaw sa frame para gawing pangdekorasyon sa bahay nila kasi ga ang ganda ng tanawin dahil nga sa green na green ang mga damo . May nagsabi rin na , iyan pala ang hitsura ng carabao ,ngayon lang daw siya nakita nong dahil sa Manila kung saan siya isinilang at lumaki ,wala namang carabao. Yon iba , ang sabi , mahalin natin ang kalikasan dahil nasisira na ito ng dahil din sa mga tao. Meron din nagsabi , na pwede po ba na sa susunod na field rin ng school , ‘wag na tv.show , dun lan tayo sa bukid sa province. Nagsasagutan ng sabay-sabay yong maramin classamtes ko , kasi sawana raw sila sa mga kung saan-saangg field trips na parang mga peryaan lang na may mga perries wheels at ng kung ano-anong palaruan ,hindi naman daw field trips ang ganun ,sobrang mahal pa ang bayad sa mga field trips na ganun na ipinilipit ng school.Dagdag pa nila , sa bukid daw masaya ,sariwa ang .hangin. Kaya pati yon teacher namin ,naguluhan na rin ,kasi , nasabi rin niya ,oo , nga raw maganda talaga sa probinsya.Pero nong mapansin niya na medyo nakalimutan na ang tanong niya muli , niyang sinabi , ano ang ibig sabihin ng photo na ipinakita niya? Natahimik muli ang lahat , walang nakasagot , matagal na ang katahimikan at ang lahat ay nakatingin lang sa teacher namin. Kasi yon boses niya malakas at naging serious. Kaya ayaw ng magsisagot ang lahat kahit na inulit-ulit pa niya ang tanong. Kaya , siya na rin ang sumagot sa tanong niya , ang sabi niya ang kahuluan daw ng photo na may carabao sa bukid na ang bukid ay may mga sariwan at lutiang damo ay discontentment. Gaya rin daw ng carabao ang mga tao ,hind kutento sa kanyang buhay kahit pa sa totoo lang siya ay may kabuhayan ,may magandang buhay , mayaman at marami ng kabuhayan. Ganun daw talaga ang tao , tulad ng carabao sa larawan , hindi nakukuntento sa buhay. Ikaw din , Lady Cath ay ganun kaya kahit na sinasabi-sabi mo na simple life lang ang gusto mo, hind ito ang sinasabi ng panaginip mo. Dahil ang totoo ,hindi ka talaga masaya sa buhay mo , hindi ka talaga maligaya at kailangan mong maghanap ng ibang ginhawa . Saan ? Eh , di saan pa ? Sabi ng panaginip mo, mag-abroad ka! Hanggang sa muli,

bottom of page